Oklahoma City Thunder v Cleveland Cavaliers

CLEVELAND (AP)– Ang sold-out arena ay napuno ng 20,000 fans na suot ang kulay gintong mga T-shirt.

Mayroong national TV audience, dalawang high-profile teams at All-Stars na nasa loob ng court.

Tila isang laro sa playoffs ang nangyari ngayong Enero.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naglaro si LeBron James na tila Hunyo na. Umiskor si James ng 34 puntos, kabilang ang unang walo sa fourth quarter kung saan ay tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Oklahoma City Thunder, 108-98, kahapon para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.

Gumawa si James ng isang pares ng 3-pointer at isang fade-away jumper upang bigyan ang Cavs ng 91-80 abante. Pagkatapos nito, isinubo ng four-time MVP kay Kevin Love ang bola para naman sa isang 3-pointer sa huling 3:38 na tuluyung nagdispatsa sa Thunder.

Matapos maging scoreless sa third quarter, gumawa si James ng 12 sa fourth upang mapanatili ang momentum ng Cavs.

‘’We’re a confident bunch,’’ sinabi ni James. ‘’But for us, we’re a humble bunch. It’s one game versus a very experienced team, a very talented team, a very good team that’s been together for a while. It shows that we can match up with some of the high-caliber teams.’’

Nagdagdag si Love ng 19 puntos at 13 rebounds, habang nag-ambag si Kyrie Irving ng 21 at 14 ang nagmula kay J.R. Smith para sa 4-0 rekord ng Cavs sa kanilang bakuran. Ang reserve na si Tristan Thompson ay humakot ng 16 rebounds.

Naglista si Kevin Durant ng 32 kasama ang siyam na assists habang 22 puntos ang ibinigay ni Russell Westbrook para sa Thunder, na 3-2 sa kanilang pinakamahabang road trip ngayong season. Si Dion Waiters, na nakuha mula sa Cleveland sa isang three-way trade nitong buwan, ay nagdagdag ng 14, ngunit nagkasya lamang ang Thunder sa 39 porsiyento at hindi nakakuha ng malalaking shots nang kanilang kinailangan.

‘’We were a couple of possessions away from really turning the game to a different outcome,’’ lahad ni Thunder coach Scott Brooks. ‘’Give them credit. They’re playing good basketball right now and they have three great players.’’

Hindi naglaro si James sa huling laro ng Cleveland sa Oklahoma City noong Disyembre 11 dahil sa sore left knee, at umasa si Brooks na hindi niya muling makikita ang No. 23.

’I want him to miss tonight’s game too,’’ sabi ni Brooks na natatawa bago ang opening tip. ‘’I want every advantage I can get. He’s not missing it, is he?’’

Ang matchup sa pagitan ng dalawang MVP ng NBA, at mga koponang inaasahang maglalaban para sa titulo, ay mayroong playoff-like vibe. Ang dalawang koponan ay naglaro na tila wala nang bukas. Mayroon ding highlight-reel worthy dunks, hard fouls, at trash talking.

Si Waiters ay binulyawan nang siya ay pumasok bilang sub sa first quarter. Hindi nagustuhan ng fans ng Cavs ang kanyang mga naging komento kamakailan na hindi niya gaanong nahahawakan ang bola nang siya ay nasa Cleveland pa.

‘’I didn’t pay any mind to that,’’ ani Waiters, na niyakap si James pagkatapos ng laro. ‘’It is what it is. Boos, no boos. I can’t focus on that kind of stuff.’’

Resulta ng ibang laro:

Miami 96, Chicago 84

Atlanta 112, Minnesota 100

New Orleans 109, Dallas 106

Indiana 106, Orlando 99

LA Clippers 120, Phoenix 101

Toronto 114, Detroit 110

Washington 117, Denver 115 (OT)

Golden State 114, Boston 111