NAKITANG magkasama sa Valkyrie Club sa Bonifacio Global City, Taguig si Jake Cuenca at ang ex-girlfriend ni Jake Ejercito na si KC del Rosario.

Jake-Cuenca-copyMatatandaang si KC ang dahilan kaya nagwawala kamakailan si Andi Eigenmann at nagpahayag na hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Pero kamakailan lang ay naghiwalay na sina Jake Ejercito at KC at nagpahayag ang binata na babalikan niya si Andi.

At dahil nakitang nagka-clubbing sina Jake Cuenta at KC ay may obserbasyon ang netizens, ‘mahilig pala sa Jake si KC, ang haba ng hair niya, huh.’

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Nagtanong kami sa kaibigan nina Jake Cuenca at KC kung sila na. “Nope! They’ve been friends, ‘tagal na. ‘Tagal na namin nakakasama si Jake (Cuenca) and he already posted photos with KC before pa.”

Sabi namin na baka kasi ngayon lang binigyan ng kahulugan ang pagsasama nina Jake Cuenca at KC kasi nga single na ang dalaga.

“Puwede,” tipid na sabi ng kaibigan ng dalawa.

Pero knowing Jake Cuenca (kailangang buuin ang pangalan para hindi malito ang readers) kapag parati niyang kasama ang isang babae ay nade-develop kaagad siya kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay nililigawan o girlfriend na niya si KC del Rosario.