Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dakong 8:17 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig.
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig sa 15 kilometro sa timog-kanluran ng Governor Generoso, Davao Oriental.
Aabot naman sa 24 na kilometro ang lalim ng pagyanig na tectonic ang pinagmulan.