EL SEGUNDO, Calif. (AP)– Sasailalim si Kobe Bryant sa surgery sa kanyang torn right rotator cuff, at posibleng dito na magtapos ang kanyang ika-19 season para sa Los Angeles Lakers.
Inanunsiyo ng koponan ang surgery ni Bryant kahapon. Napinsala ang kanyang balikat noong nakaraang linggo sa New Orleans.
Sinabi ng Lakers na iaanunsiyo nila ang timetable para sa recovery ni Bryant matapos ang surgery, ngunit inaasahan na ni coach Byron Scott na mawawala ang third-leading scorer sa kasaysayan ng NBA sa kabuuan ng taon.
‘’Kobe is probably not going to play again this season,” sabi ni Scott.
‘’We all know how tough he is,’’ dagdag ni Scott matapos ang ensayo kahapon. ‘’He’s a trooper, so we pray for him that his return will be sooner rather than later.’’
Ang torn rotator cuff ni Bryant ay ang kanyang ikatlong season-ending injury. Hindi siya nakapaglaro sa 2013 playoffs dahil sa torn Achilles tendon, at naglaro siya sa anim na laro lamang noong huling season matapos mabali ang buto sa kanyang kaliwang tuhod.
Matapos makabalik sa training camp, hindi naglaro sa walong laban si Bryant noong nagdaang buwan at naglaro sa mga limitadong minuto upang ipahinga ang kanyang 36-anyos na katawan.
Dismayado ang Lakers sa balita ngunit nananatili ang respeto para kay Bryant, na napili bilang starter sa All-Star game sa ika-17 pagkakataon noong nakaraang linggo. Si Bryant ay nag-average ng 22.3 puntos, 5.7 rebounds at 5.6 assists nitong season.
‘’Kobe is a warrior,’’ ani Lakers forward Carlos Boozer. ‘’He’s strong, and he’s going to attack rehab like he always has.’’
Ipinagpag din ng Lakers ang mga ispekulasyon na maaring matapos na ang career ni Bryant. Siya ang highest-paid player sa NBA sa $23.5-milyon ngayong season, at siya ay nakatakdang tumanggap ng $25-milyon sa kanyang kontrata para sa susunod na taon.
‘’I think he’s done everything that you can possibly do in this league, and I think at times, we don’t appreciate all the stuff that he’s been able to accomplish,’’ ani Scott. ‘’I don’t think we appreciate how tough he is, all the injuries and other things that he’s played with, to be able to come back the way that he’s come back. I don’t see Kobe as the type of guy that wants to leave his legacy on (these) terms. I think he wants to go out on his own terms. We’ll just have to wait and see.’’
Wala si Bryant sa training complex ng Lakers kahapon, at hindi siya dumalo sa laro kontra Houston noong Linggo ng gabi. Plano ni Scott na makipag-usap kay Bryant anumang araw upang malaman kung ano ang binabalak nito sa kinabukasan at umaasa siyang hindi pa handang tumigil si Bryant.
‘’With the Achilles last year, everybody said he was done,’’ saad ni Scott. ‘’He came back and I think the first month of the season, he proved to everybody that he still has a lot left in the tank. I think he still has that hunger and that competitive nature to come out and prove it again. After the surgery, I’ll talk to him and see how it is. We’ll talk and we’ll go from there.’’