LUCBAN, Quezon – Gumamit ng alambre sa pagbibigti ang isang kawani ng gobyerno matapos siyang makipag-inuman sa kanyang kaibigan sa birthday ng babaeng bumasted sa kanya sa Barangay Ayuti sa bayang ito noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Lucban Police Chief Insp. Reynaldo Kasilag, dahil sa maagap na pagresponde ng mga kaibigan ay nailigtas ang buhay ng 26-anyos na binata na nagtangkang magbigti.
Bandang 11:20 ng gabi nitong Linggo nang mamataan ng dalagang bumasted sa biktima ang pagbibigti ng huli sa ikalawang palapag ng apartment at agad siyang nakatawag ng saklolo.