Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang Executive Order na inisyu ni dating Pangulong Gloria Arroyo na nagtatalaga kay Civil Service Chair Francisco Duque bilang ex-officio member ng Board of Directors/ Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS), Philhealth, Employees Compensation Commission (ECC) at Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Fund.

Ang posisyon na ibinigay kay Duque ay may kinalaman sa kanyang panunungkulan bilang chairman ng CSC.

Sa desisyon na sinulat ni Associate Justice Lucas Bersamin, partikular nitong idineklara na unconstitutional ang Executive Order No. 864 na inisyu ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong Pebrero 22, 2010.

Ayon sa Korte Suprema, labag ang kautusan sa Sections 1 and 2 ng Article 9-A ng Saligang Batas, probisyon tungkol sa Constitutional Commission.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ilalim ng dalawang probisyon, ang CSC bilang isang Constitutional Commission ay dapat na maging independent at sinumang miyembro ng Constitutional Commission ay dapat walang hawak na ibang tanggapan o propesyon na makakaapekto sa kanyang tungkulin.

Nag-ugat ang kasong ito sa inihaing petisyon ni Dennis A.B. Funa dahil sa paniwalang nilalabag ng EO 864 ang independence ng CSC.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na ang lahat ng opisyal na hakbang ni Duque bilang Director o Trustee ng mga nabanggit na GOCC ay valid o may bisa.

Ito umano ay para maprotektahan ang integridad ng pakikipagtransaksyon ng publiko sa mga nasabing ahensya.