CLARK FREEPORT, Pampanga – Naging mapayapa ang pagbubukas ng dalawag linggong APEC-First Senior Officials’ Meeting and Related Meeting (SOM1) kahit na may ilang nagprotesta sa labas ng mga venue, sinabi ng Police Regional Office (PRO3) noong Lunes.

Sinabi ni Chief Supt. Ronald Santos, PRO3 officer-in-charge, na may iilang mga rallyista ang nagtipon sa bakuran ng Clark para magdaos ng kilos protesta noong Lunes ngunit napanatili ng mga awtoridad ang maximum tolerance upang matiyak ang mapayapang protesta.

“The protest actions were expected and we are exercising maximum tolerance for the entire summit to ensure peace,’’ ani Santos.

Karamihan sa mga nagprotesta ay ang mga tindera na ang mga puweto ay giniba ng Clark Development Corporation (CDC) upang palawakin ang lugar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tiniyak ni Santos na walang nasaktan at naging maayos ang protesta.

Idinagdag ng PRO3 OIC na nagtalaga sila ng mga puwersa mula sa Regional Public Safety Battalion (RPSB3), Nueva Ecija at Tarlac Police Provincial Offices sa Clark-Subic upang matiyak ang maximum police presence.

Upang matiyak na walang magiging aberya sa mga pagpupulong, sinabi ni Santos na magpupulong araw-araw ang Site Task Group “Clark-Subic” upang siguraduhing “no single detail is being overlooked.’’

Ang mga delegado ng APEC-SOM1 ay magdadaos ng pagpulong dito hanggang sa Pebrero 7 upang talakayin ang mga usapin sa regional development and economic policies, at iba pa.