MUKHANG hindi nga kayang i-resist ni Andi Eigenmann si Jake Ejercito dahil nagkabalikan na raw sila at magkasama sila sa Singapore, sabi ng mga taong malapit sa dalawa.

Jake-Andi2-copyNaalala namin tuloy si Bret Jackson na kamakailan lang ay nagpahayag pa na hindi na raw magkakabalikan sina Andi at Jake dahil iyon daw ang sabi ng aktres.

Bukod dito ay okay ang relasyon nila ni Andi maski na hindi pa sila officially on pero masaya sila kapag magkasama sila bukod pa na sabay nilang sinalubong ang Bagong Taon.

Sabi ito ni Bret sa presscon ng bagong programa ng TV5 na Trippin’ In Love or Fallin’ In Love episode ng Wattpad nang tanungin namin tungkol sa plano ni Jake na pakikipagbalikan kay Andi.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

“I think that people get that misinterpreted,” sabi ni Bret. “I don’t think he’ll say that he has a plan to get back with her, he actually need or fear the things he said. I don’t think he has a plan to get back with her.  And if he does, it’s up to Andi in the end, di ba?  Its’ up to her, it doesn’t matter kung may plano ka (Jake), it doesn’t mean you’re going to get back together.”

Pero heto, marami ang nagulat sa post ni Bret sa kanyang Twitter account noong Sabado ng gabi na, “Liar Liar Pants On Fire at Cheater Cheater Pumpkin Eater.”

Sino kaya ang sinasabihan ni Bret ng ganito? Eksena kaya ito sa Wattpad episode nila ni Eula Caballero na may titulong Trippin’ In Love or Fallin’ In Love dahil nag-post din siya ng tungkol sa taping?

Sabi pa ng mga kaibigan nina Jake at Andi, hindi sila nagpakuha ng litrato na magkasama na naka-post, pero iisa naman ang background ng litrato nila kaya kumpirmadong magkasama talaga sila.