BUGUEY, Cagayan – Patay ang tatlong batang magkakapatid matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay San Lorenzo, Buguey, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Buguey Police, ang mga biktima sa mga pangalang lamang “Ashley,” 10-anyos; “Elvin”, 7; at “Mark,” 6, pawang residente ng Bgy. San Lorenzo, Buguey.

Iniwan ang tatlong magkakapatid ng kanilang magulang dahil nakipaglamay ang mga ito sa isang burol sa kapitbahay.

Suspetsa ng pulisya na posibleng may naiwang nagbabagang kahoy sa kusina ng bahay ng mga biktima ay ito ang pinagmulan ng sunog.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Hindi rin matiyak ng awtoridad kung ikinandado ng magulang ng mga biktima sa bahay kaya hindi nakalabas ang mga ito.