Dalawang miyembro ng big time drug syndicate ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police makaraang makumpiskahan ng P 1 milyon halaga ng shabu sa anti–illegal drug operation sa isang mall sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang mga hinihinalang tulak ng iligal na droga na sina Alvin Rodrigo at Mark Joseph Mercado, pawang nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan sa Lungsod Quezon.

Base sa report, dakong 5:00 ng hapon kamakalawa nang maaresto sa buy-bust operation ng mga operatiba ng PNP-AIDSOTF sina Rodrigo at Mercado sa loob ng SM City Fairview mall sa Barangay Pasong Putik, Quezon City. Nakuha sa kanila ang kalahating kilo (500 gramo) ng shabu na may street value na P1 milyon at P900,000 marked money.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya