MADRID (Reuters) – Walong French at dalawang Greek ang namatay at 21 katao pa ang nasugatan nang bumulusok ang isang Greek fighter plane habang nagsasanay ang NATO sa Spain noong Lunes, sinabi ni Spanish Prime Minister Mariano Rajoy.

Bumulusok ang F-16 dakong 3:20 p.m. (9.20 a.m. EST) ilang sandali matapos lumipad sa isang training center sa Albacete, 260 km (160 miles) sa timog silangan ng kabiserang Madrid.

“The plane lost power, crashing into the parking area for planes, crashing into various planes that were parked there,” sinabi ng defense ministry sa isang pahayag.

Kabilang sa mga namatay ang dalawang piloto ng eroplano at iba pang mga piloto at mekaniko na nasa lupa. Nakaparada ang French Mirage at Italian Alpha Jet planes nang bumagsak dito ang eroplano.
National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!