Willard-Cheng-copy

HALOS lahat ay napabilib ni Willard Cheng sa coverage sa pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis dahil nakuha niya ang emosyon ng publiko laluna sa Villamor Air Base sa kanyang TV reports na hindi naman OA ang atake.

Very professional at well-researched ang mga ulat niya. 

“Madami akong natutunan sa kanya,” sabi ng isang televiewer, “mula sa outfit ng Santo Papa, sa pinanggalingan nito sa Argentina, at mas nakita ko pa ang humanity ni Pope Francis dahil sa kanyang spiels. Halatang prepared din siya at hindi kung anu-ano lang ang sinasabi. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kaya naman para sa akin, standout talaga siya mula pa lang sa paglapag ng eroplanong lulan si Pope Francis sa unang araw nito sa Pilipinas, hanggang sa pag-alis nito pauwi ng Roma.” 

Pero hindi lang si Willard ang napansin sa coverage ng ABS-CBN sa papal visit kundi maging sina Karen Davila at Henry Omaga-Diaz.

Bilang anchors, trabaho nilang magbigay ng detalye habang naka-flash sa TV ang motorcade ng Santo Papa. Pero hindi lang nila dini-describe ang reaksiyon ng mga tao pagdaan ni Pope Francis dahil talagang may insight pa sila tungkol dito. Nakakaaliw din na kung minsan ay binabalikan nila ng tanaw ang pag-cover nila sa pagdalaw naman noong 1995 ni Pope John Paul II na santo na ngayon.