Halinhinang hinalay ng dalawa niyang kainuman ang isang tomboy makaraang mabighani ang mga ito sa kanyang seksing katawan sa Roxas City, noong Sabado ng gabi.

Isinailalim sa medical examination ang biktima matapos ang panggagahasa ng dalawang suspek na kinilala lamang sa mga pangalang “Toto” at “Nonoy.”

Hinihintay na lang ng pulisya ang resulta ng medico-legal sa nasabing panghahalay bago sampahan ng kasong kriminal ang dalawang suspek.

Ayon sa biktima, magkakasama silang nag-iinuman nang malasing siya na sinamantala ng dalawa at pinagtulungan siya umanong gahasain.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Nagpalitan umano ang dalawang suspek sa pag-angkin sa biktima habang nagmamakaawa at ilang beses na sinabing siya ay isang “tomboy.”

Naglunsad na ng manhunt operation ang Roxas City Police laban sa dalawang suspek.