Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang 49-anyos na lalaki matapos niya umanong aluking magmotel ang isang dalagitang estudyante na nakasabay niya sa jeepney sa Marikina City, kamakalawa.

Kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Vicente Fabian, residente ng Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal, ng unjust vexation (panggugulo) at paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Ayon sa ulat ng Eastern Police District (EPD), kakababa lamang ng 17-anyos na biktima sa jeep nang nilapitan siya ng suspek dakong 11:00 ng umaga noong Sabado sa Marcos Highway sa Bgy. San Roque, Marikina City.

Sinabi ng suspek sa dalagita na naakit siya sa kagandahan nito kaya hindi siya nakatiis at inalok niya ito na mag-motel.

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP

Bagamat napaiyak sa takot, pinalad naman si Janice na may malapit na nagpapatrulyang pulis na agad niyang nilapitan at hiningan ng tulong.

Hindi na pumalag si Fabian nang siya ay arestuhin ng mga awtoridad, ayon sa ulat.