ISANG libreng concert sa Araw ng mga Puso ang ihahatid ng Beyond Photography Productions (BPP) Merlin PH and iPR Plus Consulting Group na pinamagatang Sweet Lovin’, Let’s Jammin’.

Sa nalalapit na Araw ng mga Puso, ipagdiriwang kasama ang iyong mahal sa buhay o ang iyong buong pamilya na puno ng ligaya at tuwa, pero pasok sa budget.

Makinig sa tugtugan ng inyong mga paboritong banda at singer sa Pebrero 14 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife amphitheater, simula 7:00 ng gabi

National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox

Ang Sweet Lovin’, Let’s Jammin free concert ay tatampukan ng The Voice Philippines Season 2 contender na si Nino Alejandro, romantic balladeer na si Carlo Lopez, Kris Angelica, Banda ni Kleggy, Imago, 1:43, Fifth Dynamic, Upgrade, Pilyo, Rox Puno with Gherns Soul Session at marami pang iba.

Ang Sweet Lovin’, Let’s Jammin’ ay layong magbigay ng entertainment at suporta sa Stop Hunger Now program na isang international hunger relief organization na nakikipagtulungan sa distribusyon ng pagkain at iba pang lifesaving aid sa buong mundo.

Nais ng Sweet Lovin’, Let’s Jammin’ na maipakilala ang Stop Hunger Now sa publiko at magkaroon ng kamalayan na tumulong sa mga nagugutom.

Kaya halina’t manood ng konsiyerto ng mga bandang magbibigay aliw at makabuluhang kamalayan sa Araw ng mga Puso.