Dahil hindi na niya matiis ang mahirap na sitwasyon sa piitan, hiniling ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Avelino Razon Jr. at ng dalawa pang opisyal ng PNP sa Sandiganbayan na aksiyunan na ang kanilang petisyon upang makapagpiyansa sa kasong paglulustay ng pondo na kanilang kinahaharap kaugnay ng maanomalyang P400-milyon maintenance contract ng light armored vehicle (LAV).

“Wherefore, premises considered, accused most respectfully pray of the Honorable Court to resolve with dispatch their application for bail,” saad sa motion to resolve na isinumite ni Razon at ng mga retiradong opisyal na sina Directors Gerry Barias at Eliseo de la Paz.

Kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City matapos kasuhan ng malversation hinggil sa maintenance contract para sa mga LAV noong 2007 hanggang 2008.

Sa kanilang mosyon na isinumite nitong Enero 20, inihayag ng mga abogado ng tatlong akusado na dapat na nakapagtalaga na ang korte ng halaga ng kanilang piyansa base sa “declaration of the Honorable Fifth Division that Malversation through Falsification of Public Documents is a bailable offense.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

At dahil paso na ang 90 araw na itinakda ng korte upang resolbahin ang mga petisyong inihain ng depensa, iginiit ng mga abogado ng tatlo na patuloy na nagdurusa ang kanilang mga kliyente dahil sa pagkakaantala sa pagpapalabas ng desisyon sa petition for bail.