Luc Mbah a Moute, Zach Randolph

MEMPHIS, Tenn. (AP) – Ang eksperyensiya ng Memphis Grizzlies ay sadyang mas matimbang kaysa sa nakababatang Philadelphia 76ers.

Nagtala si Zach Randolph ng 17 puntos at 14 rebounds habang umiskor naman si Jeff Green ng 18 patungo sa 101-83 na panalong Grizzlies kahapon.

‘’They have a bunch of veterans who know how to play the game,’’ ani Sixers guard Michael Carter-Williams, na nagtapos na may 10 puntos.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

‘’They’re a tough team, and we’re a young team.’’

Nagdagdag si Vince Carter ng 13 puntos sa pagkuha ng Grizzlies (31-12) ng kanilang ikaanim na panalo sa huling pitong laban.

Lumamang ang Memphis ng 25 puntos sa second half, nagbigay-daan upang ipahinga ni coach Dave Joerger ang kanyang starters sa fourth quarter.

Si Marc Gasol, napili bilang All-Star starter, ay naglista ng siyam na puntos gayundin ang point guard na si Mike Conley.

Si Jerami Grant mula Syracuse, ang 39th overall pick sa nagdaang draft, ang nanguna sa Sixers sa kanyang career-high na 16 puntos. Ang Sixers ay may 38 porisyento sa shooting at nagkamit ng 24 turnovers.

‘’(That) is a big number,’’ lahad ni Philadelphia coach Brett Brown, “‘especially when we needed those possessions to put some points up.’’

Kinailangan ng Memphis ng 41-point fourth quarter upang matalo ang Sixers, 120-115, sa overtime noong Disyembre 13. Ang kanilang pagbabalik sa Memphis ay hindi naging malapit matapos makuha ng Grizzlies ang double-digit lead sa maagang bahagi ng ikalawang yugto.

‘’You have to limit your mistakes because they will capitalize on anything,’’ sabi ni Sixers center Nerlens Noel, na nagtapos na may pitong puntos at anim na rebounds. ‘’You have to be real physical back with them. They’ve been in this league a long time. They have their little tricks of ways to seal you.’’