Magsasagawa ang Philippine Olympic Committee (POC) ng tatlong araw na dayalogo sa mga ipapadalang atleta at coaches sa nalalapit na 28th Southeast Asian Games para mapinalisa ang sistematikong pagtatakda ng quarters ng mga kasaling isports sa kada dalawang taong torneo na isasagawa simula Hunyo 5 hanggang 16.

Mismong si POC president Jose Cojuangco Jr. ang nagpatawag ng detalyadong dayalogo para sa matagal nitong inaasam na maisaimplementa na sistema sa “quartering” na nakatuon sa mga kandidatong atleta at kanilang coach na asam makasama sa pambansang delegasyon.

Isasagawa ang dayalogo na inaasahang dadaluhan ng mahigit na 400 atleta at coaches sa darating na Enero 27 hanggang 29 sa Multi-Purpose Arena o Ultra.

Ipinaliwanag ni Cojuangco na nais nitong makumpirma ang lahat ng mga nagnanais na sumailalim sa sistematikong plano sa quartering na kung saan hindi lamang sasailalim ang mga atleta sa malalim na pagsasanay sa kanilang partikular na disiplina kundi dadaan din sa modernong proseso sa sports science.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“The athletes will undergo scientific approach on strength and conditioning, proper nutrition and recovery intake and foremost is the psychology session among others,” sabi ni Cojuangco.

Siniguro rin ni Cojuangco na paglalaanan nito ng pondo ang buong implementasyon ng program na matagal na nitong ninanais na makumpleto at maisagawa sa nakalipas na taon.

Ang programa ay magsisilbing simula para sa pagpipili sa bilang ng atleta na tinatayang aabot sa 150 hanggang 200 para sa Singapore SEA Games at sa isasaimplementa nito para sa lahat ng kabilang sa 800 atleta na kabilang sa pambansang koponan sa susunod na panahon lalung-lalo na kung mabubuo ang

bagong training center.