Pormal na isasalin ngayong Lunes sa pangangalaga ng Philippine Army ang 23 bagong Hummer vehicle na kinumpuni bilang ambulansiya upang mapalakas ang kakayahan ng mga sundalo sa pagsusugod sa ospital ng mga casualty sa militar.

Ang turn over ceremony para sa 23 M1152 high mobility, multipurpose wheeled vehicle (HMMWV) o “Humvee” ay pangungunahan ni Defense Secretary Voltaire T. Gazmin sa seremonya sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo dakong 7:30 ng umaga.

Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Noel J. Detoyato na ang 23 bagong Humvee ambulance ay bahagi ng kabuuang 30 unit na dumating ngayong linggo na binili ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Defense Reform Program upang mapalakas ang Forward Health Service Support System ng Philippine Army.

Pitong iba pa ang inaasahang darating sa Pebrero.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Ang mga Humvee ambulance ay kumpleto sa kagamitan sa pagsagip ng buhay, gaya ng oxygen tank, suction system, upper litter rack, sliding/ stowing attendant set, first aid kit, tools at manuals na mahalaga sa pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga sundalong nasugatan sa sagupaan.

Ang blessing at turn over ceremony ay sasaksihan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gregorio Pio P. Catapang Jr. at Army Commanding General Lt. Gen. Hernando Iriberri.