RAMALLAH, Palestinian Territories (AFP) – Libu-libong Palestinian ang nagmartsa nitong Sabado sa West Bank upang iprotesta ang huling cartoon na naglalarawan kay Prophet Mohammed na inilathala ng French satirical magazine na Charlie Hebdo.

Tumugon sa mga panawagan ng Liberation Party, isang grupong Islamist, nagmartsa ang mga raliyista sa mga siyudad ng Ramallah at Hebron, ilan sa kanila ay may bitbit na mga banner na nagpapahayag ng pananampalatayang Islam habang ang iba ay nakasuot ng itim na headband at umaapela ng pagtatatag ng isang Muslim caliphate, ayon sa mga photographer ng Agence France Presse.

Mariing kinokondena ng nasabing malawakang kilos-protesta ang cartoon na inilathala ng Charlie Hebdo isang linggo makaraang salakayin ng armadong grupo ng mga Islamist ang headquarters ng magazine sa Paris nitong Enero 7 at patayin ang 12 empleyado ng opisina.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente