SA lalawigan ng Rizal, mula sa pamahalaang panlalawigan hanggang sa 13 bayan at isang lungsod, ang prioridad ng mga namumuno ay ang edukasyon at kalusugan. Naniniwala na ang edukasyon ay ang susi sa kaunlaran at mag-aangat sa kahirapan. Dahil dito, tuwing magsisimula ang klase kung Hunyo, hindi nagkukulang ng mga silid-aralan sapagkat patuloy sa pagtatayo ng mga school building. Natutugunan ang paglobo ng enrollment dahil sa paglipat ng mga mag-aaral mula sa private school na nagtataas lagi ng matrikula. Dahil sa taun-taon na taas-matrikula, nasasabi tuloy ng marami natin kababayan na ang edukasyon sa Pilipinas ay isa nang profit venture at negosyong tubong nilugaw ng mga may-ari at namamahala na mga negosyanteng nakadamit-guro.

Sa Antipolo City, palibhasa’y pangarap ng ama ng lungsod na si Antipolo City Mayor Jun Ynares na magkaroon ng tertiary institution at ang edukasyon ang isa sa kanyang mga prioridad, ang City Government ay nagtatayo ng isang kolehiyo. Ang kolehiyo sa Antipolo ay makikilala sa tawag na Antipolo City Institute of Technology (AITECH). May dalawang palapag ang gusali ng AITECH at matatagpuan sa Sitio Cabading Barangay San Jose. Sa application ng AITECH ng permit sa Commission on Higher Education (CHED), ang kolehiyo ay may offer na course na Bachelor in Construction Management Engineering and Technology (BCMET) - isang kurso na sumusunod sa pangangailangan ng industriya ng konstruksyon na kaugnay sa mga ibinibigay na Professional Construction Management and Skills Competency Training Courses ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ang AITECH registration sa CHED ay isang professional institution alinsunod sa CHED Memorandum Order No. 46 series of 2002 at makikila ang AITECH bilang isang TESDA-accredited institution.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, sa unang pagpupulong ng AITECH Board of Trustees, “Bakit pa luluwas sa Maynila o bababa sa karatig-lungsod ang ating magaaral kung mayroon na tayo sa ating lungsod na maituturing na first class community college.?” Sa nasabing pulong pinagtibay ng Board of Trustees ang aplikasyon ng AITECH upang mabigyan ng permit ng CHED.Ang AITECH Board of Trusteees ay pinangungunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares na tumatayong Chairman of the Board. Si Mayor Ynares ay naging two term governor ng Rizal bago nahalal na alkalde ng Antipolo noong Mayo 2013.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela