JM-at-Angelica-copy

KUNG hindi man ikinatuwa nang lubos ni Angelica Panganiban ang pagkakapili kay JM de Guzman bilang leading man niya sa That Thing Called Tadhana, walang dapat ipangamba ang aktor. Pinuri siya nang husto ng film critic na si Mario Bautista during the their press launch sa magaling niyang pagganap sa road movie na dinirek ni Antoinette Jadaone.

“Leading man na leading man ang dating mo sa pelikula,” wika ni Mario kay JM.

Istorya ng two heartbroken characters ang That Thing Called Tadhana na sa tunay na buhay ay naranasan ni JM, dahilan upang mapabayaan niya noon ang kanyang umaabanteng acting career.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Salamat at naka-recover na ang aktor at babawi daw siya sa taong ito.

May payo si JM sa mga kapwa niya kabataan kapag nakaranas ng kasawian sa pagibig.

“Burahin mo ang lahat ng memories at magsimula kang gumawa ng panibago,” sabi niya.

Unang ipinalabas ang That Thing Called Tadhana for a limited screening bilang kalahok ng Cinema One Originals Film Festival last November. Muli itong itatanghal sa February 4 sa select mainstream theaters kaya wala nang dahilan para palagpasin ang bagong obra ni Direk Jadaone na pinuri ng mga kritiko.

Ito rin ang pelikula na nagbigay kay Angelica Panganiban ng Gawad Tanglaw Best Actress award, ka-tie ni Nora Aunor.