OVERWHELMED si Janella Salvador kaya hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman sa ipinagkatiwala sa kanyang papel na ginampanan niya ngayon sa Oh My G. Labis-labis ang kaligayahan niya dahil sa dinami-dami ng mga artista ng ABS-CBN ay siya ang napili.

Janella-Salvador-copy-236x300

“Kasi hindi lang siya ‘yung usual na show, it’s a show about God, it’s a big role. Mga aral mula sa buhay ni St. Teresa of Avila ang ginamit na inspirasyon para sa kuwento namin,” may pagmamalaking kuwento ng magandang dalagita.

Dagdag pa niya, tiyempo namang fifth centenary celebration ni St. Teresa sa taong ito. Malaking suwerte raw talaga na siya ang napiling gumanap bilang si Sophia sa Oh My G na nagsisilbi ring launching serye niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kahit marami ang nagsasabi na taglay ni Janella ang mga katangian para maging isa sa mga prinsesa ng Kapamilya Network ay hindi raw niya iyon inilalagay sa ulo at lalong hindi magiging dahilan para magmayabang siya.

“Lahat naman, eh, may kanya-kanyang pangarap sa buhay. Pero wala po akong masasabi sa mga sinasabi nila sa akin na ganyan.

Siyempre po masaya if people think that way,” sabi niya. 

Sa magiging takbo ng istorya ng morning serye, bukod sa young love triangle nila nina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa, excited si Janella at maging ang buong production kung paano nila isasali ang Diyos.

“Minsan teenage God siya, minsan sa Internet, maraming nakakatuwang ways on how He is presented,” saad pa ng magandang young actress.

Sa first week episode, hindi pa lumilitaw si God pero umarangkada na agad ito sa ratings game. Mabilis ang pacing ng kuwento nito kaya marami agad ang mga nangyari sa buhay ng bida na ulila na ngayon.

Samantala, naipaliwanag naman nang maayos ni Janella ang tungkol sa isyung hindi pabor ang kanyang ina sa inila-love team sa kanya.

“Pati nga po mommy ko, nagulat sa isyu na ‘yun. Siya nga po ang naglambing sa akin na i-clear ko. Hindi po iyon totoo. She’s okay with Marlo. Close nga po sila,” paglilinaw niya.

Samantala, marami ang nagsasabi na ‘tila makakatulong ang seryeng Oh My G sa problema ni Janella at ng kanyang amang musikerong si Juan Miguel Salvador.

Lumaki si Janella na walang kinagisnang ama bagamat naririto lang naman ito sa Pilipinas.