Para tiyakin na may probable cause ang kasong isinampa laban kay Iligan City Mayor Celso Regencia, bubuo ang Department of Justice (DoJ) ng panel of prosecutors sa nasabing isyu.

Ayon kay Chief Provincial Prosecutor Chuchi Azis, mismong si Justice Secretary Leila de Lima ang naglabas ng mandato na hahawakan ng kagawaran ang imbestigasyon sa kasong ambush attempt laban kay Iligan City Rep. Vicente Belmonte Jr.

Matatandaang kinasuhan na ng Police Regional Office (PRO)-10 ng multiple murder at multiple frustrated murder sa Misamis Oriental Provincial Prosecutors Office si Regencia at 20 iba pang isinasangkot sa krimen.

Nasawi sa ambush try sina PO3 Mark Andres, Eustaquio Silawan at Ian Dumaguing, habang nasugatan naman sina Rio Don, SPO1 Roel Viejo at Noel Jo.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras