Sinabi ni Vice President Jejomar C. Binay na hindi sila natatakot na mag-ama sa banta ng Senado na ipadarakip ang anak niyang si Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay Jr. at ang iba pang opisyal ng siyudad sa pagtanggi ng mga ito na tumalima sa summons ng Senate Blue Ribbon subcommittee na nag-iimbestiga sa umano’y mga anomalya sa Makati noong siya pa ang alkalde ng siyudad.

Ayon pa sa Bise Presidente, ang kanyang anak ay “ready to face the consequences of his decision to ask for fairness and due process” mula sa Senate sub-committee na nagbantang ipakukulong ang alkalde dahil sa contempt.

“Basta’t haharapin namin ang isyung ito at hindi kami natatakot po diyan,” sinabi ni VP Binay sa mga mamamahayag noong Sabado.

Iginiit din ng ikalawang pangulo na ang mga opisyal ng Makati ay “resource persons” at hindi “witnesses” kaya may karapatan ang mga ito na mabigyan ng kopya ng mga itatanong ng mga senador.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands