MAY nakapagsabi: Ang tawa ay parang musika na matagal kung manatili sa puso; at kapag naririnig ang melodiya nito, nalulusaw ang lahat ng kapaitan sa buhay.

Ayon sa mga eksperto, lalo na sa mga doktor, mainam para sa kalusugan ang pagtawa. Walang kaduda-dudang may katotohanan ang pahayag na ito dahil ayon din sa Mabuting Aklat, na may ibinubungang mabuti ang maligayang puso.

Ngunit inilahad ng mga Kasulatan ang pagkakaiba ng mabuti at masamang pagtawa. Ipinahayag ng may-akda ng Ecclesiastes na ang pagtawa ng mga taong walang puwang para sa Diyos sa kanilang buhay ay walang halaga tulad ng mga ingay ng paglutong ng mga nasusunog na sanga. Hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang mga halakhak na umaapi sa kapwa at ginagawang katatawanan lang ang imoralidad.

May isa akong amiga na may friend na mahilig magmura. Kahit sa katiting na bagay, positibo man o hindi, nagmumura ito. Minsan ko ngang narinig ang friend na ito ng aking amiga nang mag-volunteer kami sa aming barangay sa paglilinis ng kanal; naku, ang lutong ng mga bibibigkas nitong masasamang salita. Pero tumatawa ang ilan sa aming mga kasama sa pagmumura nito, na parang kiliting-kiliti sila sa katatawa. Hindi naman sa nagmamalinis ako ngunit sa opinyon ko, hindi yata tama ang gawing dahilan ng pagtawa ang isang imoralidad.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maaaari ngang matawa tayo sa lutong ng mga salitang masama, samahan pa ng kaunting acting ng taong nagmumura, ngunit kapag narinig ito ng mga bata, malamang na tumatak sa kanilang isipan bilang tama.

Paano mo gagamitin ang iyong bibig sa pananalangin at pagpupuri sa Diyos kung ito rin ang ginagamit mo sa kalaswaan?

Panginoon, bigyan Mo po kami ng pusong masayahin at marunong tumawa–sa tamang dahilan.