Nakahakbang palapit ang Ateneo de Manila sa asam nitong direktang pagpasok sa finals kasunod ng kanilang 83-66 na pagdurog sa University of the Philippines Integrated School sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Nagposte si Mike Nieto ng 21 puntos at 13 rebounds bukod pa sa apat na assists habang nagdagdag naman ang kakambal niyang si Matthew ng 16 puntos at 9 na rebounds para pangunahan ang Blue Eaglets sa paghatak sa kanilang winning streak hanggang labindalawang games.

Sa iba pang mga laro, ginapi naman ng defending champion National University ang University of the East, 75-52, para palakasin ang tsansa nila sa target na twice-to-beat advantage sa semifinals, inungusan naman ng Far Eastern University-Diliman ang University of Santo Tomas, 57-48, habang nakapuwersa naman ang Adamson University ng three-way tie sa ikatlong puwesto sa pamamagitan ng 81-61 na panalo kontra La Salle-Zobel.

Nagtala si Mark Dyke ng 23 puntos at 19 rebounds upang pamunuan second-running Bullpups sa pagtatala ng kanilang ikatlong sunod na panalo at siyam na pangkalahatan sa 12 laban.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sumalo ang Baby Tamaraws at ang Baby Falcons sa Junior Archers sa barahang 7-5, na lalong nagpatindi sa labanan para sa huling dalawang semis slots.

Nalagay naman sa alangan ang Tiger Cubs sa bingit ng eliminasyon nang malaglag ang mga ito sa ikapitong kabigun sa loob ng 12 laban habang bumagsak naman ang Junior Maroons at ang Junior Warriors sa 1-11 at 0-12 na baraha ayon sa pagkakasunod.