MARIUPOL, Ukraine (AFP) – Naghayag kahapon ng panibago at matinding opensiba ang mga rebeldeng pro-Kremlin sa silangang Ukraine makaraang 30 katao ang masawi sa mapaminsalang rocket fire sa pantalan ng Mariupol, na nagbunsod ng pandaigdigang panawagan sa Moscow na tigilan na ang pagsuporta sa mga separatist.

Ayon sa tanggapan ng alkalde ng Mariupol, 97 na iba pa ang nasugatan sa makaraang mapuruhan ang siyudad sa maraming long-distance rocket na pinakawalan noong Sabado ng madaling araw, at may ilan pang tumama sa lungsod pagsapit ng hapon.
Metro

Angat Buhay, nakikipagtulungan sa rescue operations sa NCR