AAKIT NG TURISTA ● Sa Pebrero 8, ilulunsad na ang XTERRA Off-Road Triathlon sa Albay na masasabay sa pagbukas ng isang buwang singkad na Cagsawa Festival na tampok sa pagsisimula ng tourism blitz at festival season ng naturang lalawigan ngayong taon. Kalahok sa XTERRA sportsfest ang tanyag na mga atletang banyaga at Pilipino sa triathlon na kabilang ang paglangoy sa paligid ng maalindog na Mayon Volcano. Sa ikaapat na taon ngyaon ng Casagwa Festival, malaki ang maitutulong ng ng mga aktibidad na tulad nito upang makahalina ng mas maraming turista, kapwa banyaga at domestiko, sa lalawigan ng Albay at sa bayan ng Daraga.

Ibinabandila nito ang mayamang pamanang lahi at kulturang nakabalot sa makasaysayang 201 taon nang Cagsawa Ruins. Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, lalong patitingkarin ng XTERRA World Triathlon ang Cagsawa Festival 2015. Sa Albay gaganapin ang palarong ito sa susunod na tatlong taon. Inaasahang dadagsa sa Albay ang mahigit 3,000 atleta, mga panauhin ng mga ito, foreign at local reporters at mga turista para saksihan ang natatanging palarong ito na magsisilbing “qualifying event” para sa 2015 XTERRA World Championships sa Maui, Hawaii na gaganapin sa Nobyembre.

***

STAR-STUDDED EVENT ITO! ● Tiniyak naman ng XTERRA Albay organizers ang pagsali sa naturang triathlon ng mga kilalang dayuhang triathlete gaya nina Renata Bucher na kasalukuyang kampeon, at mga beteranong sina Ben Allen, Bradley Weiss, at marami pang iba. Joseph Miller, Jacqui Slack, Charlie Epperson, Fabrizio Bartoli, Mauricio Mendez, Daz Parker, Carina Wagle, Mieko Carey, Dimity Lee Duke, at Flora Duffy. Tiyak na rin ang pagsali na naturang sports event nina Sen. Pia Cayetano na kilala ring triathlete pro, ng mga local celebrities na sina Ryan Agoncillo, Matteo Guideceli, Christine Torres at iba pa. Dadalhin ng XTERRA triathlon ang mga kasapi nito sa mga kaakit-akit na lugar sa Albay. Ang Swim course nito ay gaganapin sa Lidong Mayon Riviera sa Legazpi City, na kilala sa maitim na buhangin at malalim ngunit banayad na dagat nito. Ang triathlon ay magtatapos sa makasaysayang Cagsawa Ruins sa bayan ng Daraga. Ang iba pang bahagi ng event kasama na ang Athlete registration, Welcome Dinner, race briefing, event expo, press conference at Governor’s Night ay gaganapin sa Albay Astrodome dito sa Legazpi City. Ang usapin sa pagdaos ng 2015 XTERRA Albay dito ay pinagkasunduan nina Gov. Salceda at Wilfred Uytengsu, Jr.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race