LONDON (Reuters) - Nahaharap ang mga may ketong sa mundo sa discriminatory laws na nakaaapekto sa karapatan nilang magtrabaho, bumiyahe at mag-asawa, ayon sa isang advocacy group na nanawagan sa mga gobyerno na sundin ang UN guidelines at burahin ang nasabing mga batas.

Halos 20 bansa, kabilang ang India, Thailand at Nepal, ang nagpasa o patuloy na nagpapasa ng mga batas na nang-aapi sa mga may leprosy o ketong, sinabi ng International Federation of Anti-Leprosy Associations (ILEP) bago ang World Leprosy Day ngayong Linggo.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte