Inihayag ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na dahil sa napakatinding demand sa mga Pope Francis Visit Commemorative Stamp at pambihirang coinage souvenir sheet mula sa lokal at pandaigdigang merkado, handa na sila ngayong tumanggap ng mga order at purchase transactions sa pamamagitan ng opisyal na shopping portal ng PHLPost.

Gayunman, hinimok ng PHLPost ang publiko na bumibili online na isumite ang kanilang mga stamp order sa Pinoy eMall site upang makabili sa aktuwal na presyo.

“Upang protektahan ang interes ng publiko, hinihikayat namin ang lahat na magkaroon ng bahagi sa Pope Francis memorabilia sa pamamagitan ng mga selyo na mabibili online sa pamamagitan ng PHLPost web portal, at face value,” sabi ni Postmaster General Josie Dela Cruz.

Ito ang naging panawagan ng PHLPost kasunod ng mga ulat na ibinebenta sa black market ang mga kopya ng nasabing commemorative stamp nang doble sa aktuwal na presyo nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Upang makabili ng mga stamp, mag-log on sa www.phlpost.gov.ph at i-click ang Pinoy eMall na magbubukas sa website na Pinoy e-Mall.

Nabenta agad ang 7,000 piraso ng souvenir sheet na nagtatampok sa unang coinage stamp sa unang araw ng pagpapalabas nitong Enero 13. May panibagong set ng 10,000 kopya ang nalimbag para ibentang muli