TOKYO (AP) – Sinabi kahapon ng prime minister ng Japan na “speechless” siya matapos niyang makita ang isang online video na napaulat na nagpapakita sa pagpatay sa isa sa dalawang Japanese na bihag ng Islamic State (IS), at hiniling ang pagpapalaya sa isa pang bihag ng grupo.

Sinabi ni Shinzo Abe sa NHK TV na malaki ang posibilidad na authentic ang video at agad niyang ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Haruna Yukawa, isang 42-anyos na adventurer na binihag ng IS noong nakaraang taon.

Tumanggi siyang magkomento tungkol sa mensahe sa video, at hiniling ang prisoner exchange para sa mamamahayag na si Kenji Goto, ang isa pang bihag, sinabing patuloy na nagsisikap ang gobyerno na maresolba ang sitwasyon. Binigyang-diin din niya na mariing kinokondena ng Japan ang mga gawaing terorista.

Humarap din sa media kahapon ang ama ni Yukawa na si Shoichi at sinabing umaasa siya “deep in his heart” na hindi totoo ang balita sa pagkamatay ng kanyang anak.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists