PAGKATAPOS maki-Pit Señor sa Sinulog Festival ng Cebu, nakiki-Hala Bira! naman ngayong weekend ang GMA Network sa Dinagyang Festival ng tinaguriang City of Love.
Una nang nakisaya sa selebrasyon ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid na nagsimulang sumikat sa Protege: The Battle for the Big Artista Break.Naging guest performer siya sa Iloilo Festival Queen and Hiyas Sang Iloilo na ginanap sa Robinson’s Place noong Miyerkules, Enero 21.
Nagtanghal naman ang real-life couple na sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Kapuso Mall Show sa Robinson’s Place na ginanap nitong Biyernes, Enero 23. Pinainit ng magkasintahan ang programa sa isang intimate production number na kanilang inihandog sa mga manonood.
Makukulay na costumes at floats naman ang nakita sa main streets ng Iloilo City simula 2PM kahapon, sa pamamagitan ng Dinagyang Festival Corporate Parade. Tampok din sa nasabing parada ang Once Upon A Kissstars na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Pekto Nacua, at Betong Sumaya.
Bukas, Enero 25, 8 AM, gaganapin naman ang 1st Philippine Festival Costume Expo sa main streets ng Iloilo City at Freedom Grandstand. Susundan ito ng Ati Tribe Competition na magpapasiklaban sa sayawan ang mga kalahok. May inihanda ring live coverage ang GMA TV Western Visayas kasama ang host na si Mikael Daez ng Ang Lihim ni Annasadra.
Sa ganap na 4 PM, sosorpresahin nina Geoff Eigenmann, Empress Schuck, Dion Ignacio, at Max Collins ng soon-to-be launched Afternoon Prime soap na Kailan Ba Tama Ang Mali? ang mga Ilonggo sa pamamagitan ng isang promotional tour sa SM City Iloilo. May partisipasyon din sila Geoff, Empress, at Dion sa awarding ceremonies na gaganapin sa Freedom Grandstand ng 7 PM.
“The Kapuso festive spirit remains high as the Network participates in the last, but definitely not the least, Sto. Niño festival in the Visayas region. Our sincerest gratitude to the organizers of the Dinagyang 2015 for trusting us once again to be their partner especially in mounting a series of Kapuso shows for the Ilonggos to enjoy. We’re anticipating this year’s celebration to be filled with nothing but pure joy, laughter, and excitement,” pahayag ni Oliver Victor B. Amoroso,GMA Regional TV AVP at Head ng Regional Strategy and Business Development Division.
Mapapanood ang highlights ng Dinagyang Festival sa Let’s Fiesta TV Special na ipapalabas sa Pebrero 8 sa pamamagitan ng GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.
Para sa latest updates tungkol sa GMA regional events, i-follow lang ang GMA Regional TV sa Twitter via www.twitter.com/GMARegionalTV at sa Instagram via www.instagram.com/GMARegionalTV.