MAGBABALIK-TANAW si Lynda Jumilla sa makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa. Sinabayan niya ang paglalakbay ng Santo Papa mula Vatican patungong Sri Lanka at Pilipinas sa dokumetaryong Ang Mabuting Pastol: Pope Francis Sa Pilipinas hatid ng ABS-CBN Docu Central ngayong gabi.

Itatampok ni Lynda kung paano naapektuhan si Pope Francis ng sabik at mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Pilipino.

Ipapakita rin sa dokumentaryo ang tinatawag na ‘Pope Francis Effect’ sa mga Pilipino at ang mga sakripisyo nila masulyapan lamang ang itinuturing ng mga Katoliko na kinatawan ni Hesu-Kristo at mapakinggan ang kanyang mensahe ng awa, malasakit, at pagmamahal.

Sa pamamagitan ng komprehensibong coverage ng ABS-CBN News sa Manila at Tacloban noong pagbisita ni Pope Francis sa bansa, itatampok din ang pambihirang pagpapapamalas ng pananampalataya ng mga Pilipino at pagmamahal para sa lider ng simbahang Katoliko.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Huwag palampasin ang Ang Mabuting Pastol: Pope Francis Sa Pilipinas ngayong Linggo (Enero 25) saSunday’s Best ng ABS-CBN, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.