Nang dumating sa bansa ang papa, higanteng gastusin ang naghihintay sa host country, ngunit ang bulto ng taong dumagsa para masilayan ang lider ng Simbahang Katoliko ay nag-aalok din ng maraming magagandang negosyo.

Sa bansang minamahal ang papa kagaya ng Pilipinas, na naging punong abala sa limang araw na pagbisita ng papa, sinubok ng isang malaking logistical effort ang resources ng bansa na nangungulelat sa iba pang mga bansa sa East Asia sa paglaban sa katiwalian at sa matinding kahirapan.

Nagtalaga ang gobyerno ng 50,000 pulis at mga sundalo, halos sangkap at ng kanyang puwersa, upang masupil ang anumang banta, mapanatiling maayos ang sabik na madla na umabot sa tinatayang anim na milyon sa sukdulan na pagkaguluhan si Pope Francis, at upang maiwasan ang mga stampede at krimen.

Ipinakalat ang manipis na puwersa kahit habang hinaharap nila ang mga komunista at rebeldeng Musin at ba pang mga banta. Sinabi ng mga opisyal na malaking bulto ng puwersa ang kinailangang dalhin sa kabisera mula sa mga probinsiya. Gumastos para sa kanilang accommodation, transportasyon, pagkain at mga allowance.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, wala pang ibinibigay na numero ng ginastos ang mga opisyal. Sinabi ni presidential spokesman Herminio Coloma noong Huwebes na ang hindi pa malinaw ang ginastos ng gobyerno, dahil tinitipon pa ang mga datos ula sa iba’t ibang ahensiya.

Isang miyembro ng central committee na nag-organisa sa pagbisita ang nagsabi na ang pamahalaan ay maaaring gumastos ng hindi bababa sa P200 milyon sa seguridad at pisikal na kaayusan, kabilang ang mga itinayong barrier sa 11-kilometro (6.8 km-haba) ruta mula sa air base kung saan lumapag ang eroplano ni Pope Francis hanggang sa diplomatikong misyon ng Vatican sa Manila.

Kung magkano ang iginugol ng simbahan at nakolektang donasyon , ay hindi pa malinaw.

Sinabi ni Archbishop Socrates Villages, pangulo ng governing body ng mga obispo at pari sa Pilipinas, binabayaran pa nila ang mga ginastos at hindi pa naisasapinale ang pagbilang. Ang pinakamalaking gastos, sinabi niya, ay ang higanteng LED screen at speaker na inilagay sa Rizal Park, na pinagdarausan ng huling misa at sa iba pang venue.

Ngunit pagdating sa hanapbuhay, mayroong mga nanalo at natalo. Matulin ang kalakalan sa mga hotel, restaurant at mga nagbebenta ng souvenir vendor. Ngunit ang outsourcing, semiconductor at industriya ng pananalapi ay kabilang sa mga nalugi.

Nagreklamo si Hans Sicat, pangulo ng Philippine Stock Exchange, tungkol sa deklarasyon ng tatlong araw na trabaho bilang pista opisyal sa Metro Manila, kasunod ng mahabang Christmas break.

Ayon kay Sicat, kapag may pista opisyal, nalulugi rin ang pamahalaan sapagkat nangongolekta ito ng buwis sa bawat kalakalan ng stock na nagkakahalaga ng P4,500,000 sa isang average na araw ng kalakalan.

Sa isang ulat ng Makati Business Club, tinatantya na ang 20 public holiday noong nakaraang taon ay ikinalugi ng outsourcing industry, na nagbibigay ng trabaho sa mahigit isang milyon, P19.3 bilyon sa dagdag na bayad sa trabaho tulad ng holiday pay.

Samantala, ang airlines ay nagkansela ng ilang dosenang flights dahil sa ilang oras na idineklarang “no-fly zone” sa Manila bago ang pagdating at pag-alis ng eroplano ni Pope Francis. Ngunit sinabi Transportation Secretary Jose Emilio Abaya na wala pa siyang datos sa lugi dahil ni-rebook naman ang mga biyahe.

Ang mga hotel sa paligid ng Manila Bay, malapit sa karamihan ng lugar ng pagbisita ng papa, ay halos fully booked ang lahat kahit na siningil nila ng mas mataas na presyo.

Sinabi ni Vanessa Suatengco, general manager ng Diamond Hotel na tinuluyan ng Vatican-accredited media, mga obispo at isa sa dalawang media center, na ang kanilang 210-square-meter presidential suite na nagkakahalaga ng $2839 sa isang gabi ang tanging hindi sumakop sa 500 guest room ng hotel.

Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na malaking salapi ang iginugol ng pamahalaan ngunit ang Pilipinas ay malamang na makikinabang sa isang bigating bisita at magkakaroon ng isang bugso nito sa pagiging host naman ng summit ng mga lider ng Asia Pacific sa Nobyembre.