SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dahil sa gitgitan at awayan sa trapiko, isang barangay chairman na mainitin ang ulo ang nasa balag na alanganin makaraang iturong nasa likod ng pamamaril sa isang mag-asawa na nakaalitan niya sa trapiko sa Zone 1 sa Barangay Sto. Tomas sa lungsod na ito.

Batay sa ulat sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, direktor ng Nueva Ecija Police Provincial Office, pinaghahanap pa si Alfredo S. Bal-ot, chairman ng Bgy. Licaong, Science City of Muñoz.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Erick Buenaventura na dakong 7:00 ng gabi ay minamaneho ni Eustacio Corpuz Diamonon, 53, ng Bgy. Sto. Niño ang kanyang pampasaherong XLT (CWM-733) sakay ang asawa niyang si Angelina Diamonon nang nakagitgitan nila sa trapiko ang motorsiklo ni Bal-ot hanggang sa pagbabarilin umano ng huli ang mag-asawa gamit ang isang .45 caliber pistol.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte