DALAWAMPUNG taon matapos ang huling pagbisita ng isang Santo Papa sa Maynila, binasbasan ni Pope Francis ang mga Pilipino na lalong nagpaigting sa pananampalataya ng humigit-kumulang 80 milyon na Katoliko sa Pilipinas.

Ngayong gabi, muling sariwain ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa pamamagitan ng Blessed by the Pope special mula sa GMA News and Public Affairs.

Sa pangunguna ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho, hatid ng Blessed by the Pope ang pinakamahahalaga at pinakamaiinit na tagpo ng makasaysayang pagbisita ng Santo Papa – mula sa kanyang pagdating, ang pakikipagpulong niya sa mga pamilya at kabataan, ang kanyang madamdaming pagdalaw sa Leyte, at ang banal na misa sa Luneta na dinaluhan ng milyun-milyong Pilipino, hanggang sa kanyang pag-alis.

Panoorin din ang espesyal na panayam sa piloto ng eroplano na naghatid kay Pope Francis sa Tacloban at sa chef na naghanda ng kanyang pagkain.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mapanonood din sa Blessed by the Pope ang panayam sa isa sa mga pamilyang biktima ng super typhoon Yolanda na nabigyan ng pagkakataong makasama sa isang pananghalian ang Santo Papa.

Sariwain ang mga mensahe ni Pope Francis tungkol sa pag-asa, pananampalataya, pagmamahal, habag at pagdamay sa Blessed by the Pope ngayong gabi, pagkatapos ngKapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.