BANGKOK (AFP) – Kinumpirma ng United Nations ang pagpapalaya ng militar ng Myanmar sa mahigit 400 batang sundalo noong nakaraang taon, isang record na bilang simula nang lagdaan noong 2012 ng sandatahang “tatmadaw” ang kasunduan sa UN tungkol sa usapin.
Walang kumpirmadong bilang sa kung ilang bata ang kasalukuyang naglilingkod sa napakalaking sandatahan ng Myanmar, na ilang beses nang inakusahan ng pang-aabuso, kabilang ang sapilitang recruitment ng mga bata bilang mga porter o kahit pa bilang mga human mine detector.