DONETSK, Ukraine (AFP)— Isinuko ng Ukrainian forces noong Huwebes ang matagal na pinag-aagawang paliparan sa mga rebeldeng suportado ng Russian sa pagtindi ng mga bakbakan na ikinamatay na ng 50 katao.

Sa pinakamadugong araw ng labanan simula nang lagdaan ang hindi naipatupad na truce noong Setyembre, nagsisihan ang Moscow at Kiev sa pamamamaril ng isang trolleybus sa Donetsk na ikinamatay ng 13 katao na karamihan ay matatandang pasahero.

Ayon sa Organization for Security and Co-operation in Europe (OSCE) umabot na sa mahigit 5,000 katao ang namatay sa digmaan at 10,000 ang nasugatan habang isang milyon ang lumikas sa kanilang mga tirahan sa siyam na buwang digmaan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente