Piolo-Pascual_JIMI-copy1

AGAD-AGAD na naglabas ng official statement ang Star Magic tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ni Piolo Pascual nitong nakaraang Huwebes habang kinukunan ang isang ad ng ABS-CBN Mobile.

Minor accident lang naman ang tinamo ng aktor pero lumabas at mabilis kumalat sa social media na napakalaking aksidente raw ang nangyari kaya malubha raw ang kalagayan ng aktor nang dalhin sa ospital.

Ayon sa statement na binasa ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight kinagabihan, “Piolo Pascual had a minor bike accident while shooting an ad for ABS-CBN Mobile earlier today, January 22. He has a few scratches and a small fracture in his finger. He already received proper medical attention for his injuries and has been cleared by the doctors to go home and rest.”

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Kaya ang pakiusap ni Kris ay huwag namang i-exaggerate ang balita.

Ang naturang statement ay para na rin sa kaalaman ng mga kaibigan at supporters ng aktor na labis-labis nag-aalala sa kanyang kalagayan dahil sa unang kumalat na tsika.

“Bakit sinasabi natin ito sa mga kaibigan? Dahil lumabas po ang iba’t ibang balita kanina na napakalaking aksidente ang nangyari kanina kay Piolo Pascual. Hindi po totoo ito,” pakaklaro ni Kuya Boy.

Nagkatotoo na ang sinasabi tungkol sa information era, garbage in, garbage out. Kaya huwag din basta-basta maniniwala sa mga lumalabas sa social media. Hindi masamang mag-double check sa legitimate news sources.