Ipagpapaliban na ang halalan ng Sangguniang Kabataan (SK) para mabigyang daan ang pagamyenda sa kasalukuyang batas.

Ayon kay Senator Ferdinand Marcos Jr., walang tumutol sa panukala niyang ipagpaliban ang halalan na nakatakda sa Pebrero 21.

Si Marcos ay chairman ng Senate Committee on Local Government.

Aniya, ieendorso na niya ito sa plenaryo sa Lunes makaraan itong aprubahan ng komite sa pagdinig kahapon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isasabay na lang ang SK elections sa barangay elections sa Oktubre 26, 2016.

Ang pagpapaliban ng SK polls ay magbibigay-daan para mabago ang kasalukuyang edad na 15-17 para sa miyembro ng SK na ngayon ay edad 18-24.

Ikinatwiran ni Marcos na walang legal na katayuan ang mga kasalukuyang miyembro ng SK dahil menor de edad pa ang mga ito at abala rin sa kanilang mga pag-aaral.

Aniya, sa pag-angat ng kanilang edad ay magiging legal na silang pumasok sa mga kontrata at hindi na maiimpluwensiyahan pa ng matatandang pulitiko.

Dumalo sa pagdinig si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillanes at mga kinatawan ng National Youth Commission, Liga ng Barangay, Municipal Mayors League, at City Mayors League, na pabor ang lahat.