Nadakip na ng mga pulis ang isa sa dalawang lalaki na humalay sa isang nagbabakasyong probinsiyana sa likod ng simbahan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Rape at illegal detention ang isinampang kaso sa suspek na si Danilo Dollente, 51, residente ng Acacia Street, Camarin, Barangay 177 ng nasabing lungsod.

Umiiyak ang biktima na itinago sa pangalang “Rea,” 20, taga-Lingayen, Pangasinan, nang matagpuan ng kanyang mga kaanak sa likod ng simbahan sa Barangay 177, Camarin, Caloocan City.

Ayon sa report, bandang 2:00 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Camarin nang harangin ng dalawang suspek, tinakpan ang bibig ng panyong may pampahilo at binuhat patungo sa likod ng simbahan
National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16