Muling iginiit kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi maitatago ang kahirapan sa bansa kaugnay ng umano’y puwersahang pagtatago sa mahigit 100 katao sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa kamakailan.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, hindi maisasantabi ang kahirapan sa bansa dahil sa ngayon ay nasa 11,000 ang naninirahan sa mga kalsada kaya mas maraming bata ang paggalagala.

Ayon sa kalihim, hindi nila itinago ang mga street children kundi nagkaroon lang sila ng family camp sa Chateau Royal Resort sa Nasugbu, Batangas, na bahagi ng modified conditional cash transfer (CCT) program ng DSWD.

Nagkataon lang, aniya, na napasabay ang programa sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis noong nakaraang linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Madalas din daw itong ginagawa tuwing bakasyon para mabigyan ng orientation ang mga pamilyang naninirahan sa mga kalsada.

Pinakiusapan ng DSWD ang mga pamilya na lumahok sa susunod na orientation para mabigyan ng scholarship ang kanilang anak at mabigyan sila ng mas disenteng tirahan.