Bilang bahagi ng programang One Safe Future (1SF) ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinangunahan ni Secretary Mar Roxas ang pagkakaloob kahapon ng P40-million Trust Fund for Affordable Shelter para sa tinatayang 1,000 informal settler family (ISF) sa Towerville Relocation Site sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ilalaan ang pondo sa konstruksiyon ng mga gusali para sa tinatayang 30 ISF at bilang tulong din sa pagpapaunlad sa komunidad ng mga pamilyang benepisyaryo ng relokasyon sa lungsod.

“Hindi lamang tayo nagtatayo ng mga bahay, nagtatatag din tayo ng mga komunidad,” sinabi ni Roxas tungkol sa programa.

Ililipat sa San Jose del Monte City ang mga ISF mula sa National Capital Region (NCR) ngunit karaniwang problema ng mga na-relocate ang kawalan ng oportunidad pang-ekonomiya, kaya naman marami ang patuloy na nagtatrabaho sa Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bilang tugon, magpapaunlad ang pamahalaang lokal ng mga proyektong pangkabuhayan at magtatayo ng skills training centers.

Apatnapung pamilya ang nagmula sa Dario River Alliance na nasunugan sa Quezon City noong Disyembre 2014 kaya nawalan ng tahanan ang 2,000 ISF. Lumikha ang alyansa ng People’s Plan na naghahayag sa nais nilang relocation site na naging basehan sa pagtulong ng DILG.