Dahil sa sunud-sunod na kontrobersiya ng katiwalian sa New Bilibid Prison (NBP), inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu na sisimulan na ang konstruksiyon ng bagong detention facility na nagkakahalaga ng P15 milyon, na rito ikukulong ang mga tinaguriang “very important prisoner.”

Ayon kay Bucayu, layunin ng pagtatayo ng bagong detention facility na ihiwalay ang mga VIP detainee sa mga ordinaryong preso.

Inaasahang matatapos ito sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Isang bungalow-type building ang itatayo sa loob ng maximum security compound ng NBP na maaaring tuluyan ng may 50 bilanggo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang mga inmate na ilalagay sa bagong pasilidad ang mga tinaguriang high-risk, highly violent, suicidal at iba pa, maging ang 20 prominenteng bilanggo na pansamantalang ikinulong sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility matapos salakayin ng ahensiya nitong Disyembre ang NBP, sa pangunguna ni Justice Secretary Leila de Lima.