Janella-Salvador-copy

NAGSIMULA na nitong Lunes ang Oh My G, ang pinakabagong daytime serye sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Janella Salvador. Sa pilot episode pa lamang ay agad na itong nagtala ng rating na 15.5% laban sa 7.7% ng The Ryzza Mae Show sa kabilang istasyon ayon sa resulta ng viewership survey ng Kantar Media.

Inabangan ng televiewers ang Oh My G dahil hindi lamang sa ratings ito nanguna kundi pati na sa social networking sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang #OhMyGTheBeginning.

Lalo pang napatutok at nahu-hook ang mga manunuod dahil sa mabilis na takbo ng kuwento ng Oh My G na ngayong episode week ay mas napalapit si Sophie (Janella) sa kanyang Daddy Paul (Eric Quizon), pero nagtapos ang linggo na mawawala rin pala ito sa kanya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mapapanood sa mga susunod na kabanata at kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ni Sophie.

Ang Oh My G ay tungkol sa teenager na si Sophie na biglang guguho ang halos perpektong buhay dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, mula sa direksyon nina Roni Velasco at Paco Sta. Maria.

Hangarin ng pinakabagong serye na magpa-good vibes bago mag-Showtime, at para magturo rin sa atin ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos.