Pinalawig ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang palugit sa pagkuha ng business permit na naantala dahil sa limang-araw na pagbisita ni Pope Francis.

Ayon kay Mayor Del De Guzman, binigyan nila ng sapat na panahon ang mga negosyante na kumuha ng permit, maging ito ay bago o renewal.

“Batid natin ang kahalagahan ng pagbisita ng Santo Papa sa ating bansa. Malaking tulong ito sa pananampalataya ng sambayanang Pilipino. Kaya naman, upang mapunan ang ilang araw na walang pasok, pinalawig natin ang araw ng transaksiyon para sa business permit application at renewal upang maibigay pa rin natin sa mga namumuhunan sa lungsod ang serbisyong nararapat sa kanila,” ani De Guzman.

Sa bisa ng Ordinansa Bilang 1, Serye ng 2015 na inakda ni Councilor Eva Aguirre-Paz, maaaring kumuha ng permit hanggang Enero 30, 2015 sa halip na sa unang deadline na Enero 20.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras