HINDI malilimutan ni Lindsay Lohan ang kanyang pagbabakasyon sa French Polynesia — ngunit ang mga ito ay hindi maganda.

Ang 28 taong gulang na si Lindsay — na nagkaroon ng chikungunya virus noong Disyembre, nakukuha ito sa mga lamok at nagiging sanhi ng pananakit ng mga buto — ay nasa London hospital ngayong linggo dahil sa nasabing karamdaman, base sa mga iniulat.

Ayon sa TMZ, ang Mean Girls star ay nagpapagamot sa King Edward VII’s Hospital sa London dahil sa lagnat at pananakit ng mga buto. Siya ay inilabas at inilipat sa espesyalista. Kaagad siyang gumaling dahil noong Miyerkules ng hapon, matapos siyang ilabas, siya ay nagtatrabaho sa CSV Positive Futures nang walang bayad.

Ang kanyang tagapagsalita ay hindi pa nagbibigay ng buong detalye tungkol sa kanyang karamdaman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang binanggit ni Lohan na siya ay mayroong chikungunya virus noong Disyembre 27.

“Before I got chikungunya use Big spray please God bless,“ aniya. Pagkaraan ng dalawang araw, ang sabi niya: “Being sick is no fun. But happy new year everyone. Be safe. Love all. Make a difference and keep your…”

Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention, mahigit sa kaso ng chikungunya ang iniulat sa French Polynesia simula Oktubre. Bagamat hindi nakamamatay, ang virus (na ikinasawi na ng siyam katao) kung maging malubha ay “severe and disabling” at ang ilang tao ay ilang buwan na dumaranas ng masakit na mga kasu-kasuan.