Gaya ng dapat asahan, ganap na winalis ng University of Perpetual Help ang nakatunggaling finals first timer na Lyceum of the Philippines para maibalik ang juniors title sa Las Piñas kahapon sa NCAA Season 90 volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagposte si Ricky Marcos ng 13 puntos na kinabilangan ng 12 hits, bukod pa sa 9 digs, habang nagambag naman si Jody Margaux ng 8 hits at 3 service aces para pangunahan ang Junior Altas sa kanilang 25-15, 25- 23, 25-19 panalo sa Game Two upang pormal na walisin ang best-of-3 finals series.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Jomaru Amagan ang Junior Pirates sa kanyang itinalang 10 hits habang nag-ambag ang kakamping si Jessie dela Cruz ng 6 hits at 2 service aces.

Kinailangan lamang ng Junior Altas ng 56 minuto para payukurin ang Junior Pirates at muling maangkin ang kampeonato na huli nilang nakamtan noong 2010.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa kababaihan, bagamat nakuhang walisin sa loob ng tatlong sets ang San Sebastian, nahirapan muna ang Arellano University (AU) bago napayukod ang Lady Stags, 25-23, 25-19, 26-24, at makamit ang kanilang hinahangad na unang titulo sa liga.

Nakauna sa match point sa third set, tila hihirit pa ng fourth set ang Lady Stags ngunit nakuhang tumabla ng Lady Chiefs matapos ang isang hit ng finals MVP si Menchie Tubiera bago nakabig ang ikalawang match point na mistulang regalo dahil sa outside hit ni Gretchel Soltones hanggang sa tuluyang angkinin ang panalo sa pamamagitan ng isang hit ni Danna Henson.

Nagposte si Tubiera ng 18 puntos para pangunahan ang nasabing panalo sa Game Two habang tumapos naman na may 24 puntos ang season MVP na si Soltones.