NITONG mga huling araw, tinalakay natin ang ilang halimbawa ng pagdadagdag ng halaga sa lahat ng ating ginagawa. May pamantayan na gumigiit ng kahalagahan ng komunidad, humihingi ng pakikisama at pagtulong. Sa ganitong pananaw, ang pagtulong sa kapwa at paglalaan ng ating panahon upang dumamay ay mga susi tungo sa tagumpay at kasiyahan. Kapag tumulong ka sa iyong kapwa, nadadagdagan mo ng halaga ang kanilang buhay. Ang buhay nga ay talagang nakapagtatataka. Ang pamumuhay nang may integridad at kahalagahan ay ang tanging paraan upang matamo ang personal na kaligayahan.

  • Tumuklas ng bagong karunungan at palawakin mo ang iyong comfort zone. – Ito ang paraan upang magkaroon ka ng karagdagang skills na iyong magagamit sa pagdadagdag ng halaga. Magbasa ka ng mga aklat na makapagdadagdag ng iyong talino, o mag-surf sa mga website na kapaki-pakinabang, gumawa ng bagong gawain.
  • Huwag katakutan ang kabiguan. – Kapag gumawa ka ng isang bagay na bago sa iyo, maaaring pumalpak ka sa umpisa at panghinaan ng loob. At kapag nabigo ka, maaaring hindi mo na subukang gawin iyon uli dahil ayaw mong maranasan ang kabiguan. Ngunti kapag bumangon ka mula sa kapalpakan at nagsikap na magpatuloy, magkakaroon ka ng improvement at magagawa mo na nang buong husay ang pinagsisikapan mong matutuhan.
  • National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  • Himukin mo ang iba sa pamamagitan ng magandang halimbawa. – Mainam na tagapagturo ang pagiging isang magandang halimbawa. Ilabas mo ang pinakamainam sa iyong kapwa. Himukin mo silang gumawa ng mabuti. Magkakaroon sila ng inspirasyon na makipagsapalaran upang makapagdagdag ng sarili nilang halaga sa daigdig.

Nailista ko na sa espasyong ito ng Balita ang ilang pamamaraan ng pagdadagdag ng halaga sa lahat ng ating ginagawa, na may layuning makatulong sa pagpapagaan ng buhay ng iba. Ikaw rin ay magkakaroon ng sarili mong idea kung paano ka makapagdadagdag ng halaga at ibabahagi mo rin iyon sa iba.